May magandang balita kanina para sa mga tao, lalo na ang mga bata, na may allergy sa mani.  Nagsagawa ng pag-aaral ang Duke University Medical Center at ang Arkansas Children’s Hospital na kung saan nabigyan nila ng lunas ang allergy ng ilang  bata sa pamamagitan ng mismong bagay kung saan sila sensitibo - ang mani.

ABC News: Is There a Cure for Peanut Allergies?

Magandang balita ito lalo na sa amin dahil ang isa naming anak ay may allergy sa mani. Dinala na namin siya minsan sa emergency room dahil kumain siya ng tsokolateng may mani.  Mabuti na lamang at hindi siya kagaya ng ilan na  lubhang mapanganib ang pagkain o kahit paglanghap man lamang ng mani. Ganunpaman ay nag-iingat pa rin kami kaya naman naaawa rin kami minsan sa kanya lalo na kapag nasa labas kami at hindi niya makain ang naka-ahin. Kamakailan lamang ay may pinuntahan kami na kung saan ang maybahay ay  nagluto ng adobong baboy na may mani. Masarap ngunit hindi pwede sa anak ko. Mabuti na lang at may iba pa siyang nilutong putahe.

Umaasa at ipinagdarasal pa rin namin na isa ang aking anak sa mga bata na nagawang kalakihan ang kanilang mga allergy. Katulad sana siya ng panganay namin na may allergy sa itlog nuong maliit pa siya ngunit ngayon ay wala na.  Ganunpaman, siguradong susubaybayan namin ang mga kaganapan sa pag-aaral na ito.

Mayroong ibinahagi sa akin ang manager ko nuong isang baguhang software developer pa lang ako. Wika niya - “There is no short-term fix because your fix today becomes a permanent feature tomorrow”.  Wala daw pangmadaliang pagsasa-ayos (ng software) dahil ang pagsasa-ayos mo ngayon ay magiging isang permanenteng katangian (ng software) kinabukasan.   May katotohanan rin sa kanyang sinabi lalo na sa mga kagawaran ng I.T. sa maraming kumpanya ngayon dahil hangga’t gumagana ang software ay may ibang gawain pang dapat pagka-abalahan.  Ika nga sa wikang Ingles - “If it ain’t broke, dont fix it”.  Ito rin ang dahilan kaya natutunan ko na mas bigyang pansin ang tamang pamamaraan upang isaayos ang isang software sa simula pa lang kaysa basta maglagay na lang ng “hack” dahil madalas na ang isang bara-barang trabaho ay magbibigay ng problema sa panahong hinaharap.

Basahin ang kabuuan »

Kamakailan lang  ay may binasa akong salaysay ng isang agnostiko na hindi siya maka-paniwala sa katotohanan ng mga pangyayari sa aklat ng Genesis ng Bibliya.  Dati siyang Pundamenatlistang Kristiyano na naniniwalang literal at totoong pangyayari ang mga salaysay sa unang bahagi ng Genesis.  Sa paniniwalang ito umusbong ang tinatawag na “Intelligent Design Theory” (Teorya ng Matalinong Pagdibuho) na humahamon sa “Evolution Theory” ni Charles Darwin. Pinaniniwalaan sa “Intelligent Design” na ang pagkalikha ng mga bagay-bagay sa loob at labas ng mundo ay ayon sa matalinong pagpaplano ng isang maykapal.  Sa isang Kristiyano hindi ba’t tama naman iyon? Ngunit kung susuriing mabuti ay makikita na ang paniniwalang ito ay batay sa literal at pang-agham na pagkaka-intindi sa libro ng Genesis.

Basahin ang kabuuan »

Humihingi ako ng kaunting dispensa dahil hindi ko lang maaaring palagpasin ang paliwanag ni Gng. Nancy Pelosi, ang pangulo ng Kapulungan ng mga Kinatawan dito sa US, tungkol sa kanyang pag-lingap na mapabilang sa $800+ billion Economic Stimulus Bill ang  paglalaan ng pondong pang-kontraseptibo.

“Well, the family planning services reduce cost. They reduce cost. The states are in terrible fiscal budget crises now and part of what we do for children’s health, education and some of those elements are to help the states meet their financial needs. One of those — one of the initiatives you mentioned, the contraception, will reduce costs to the states and to the federal government.” - Gng. Nancy Pelosi

Basahin ang kabuuan »

Kapag sinusulat ko ang blog na ito, napag-iisipan ko paminsan kung tama ba ang pag-gamit ko ng wikang Filipino. Bukod dito tinatanong ko din sa aking sarili kung mas mabuti bang gamitin ang pormal o hustong Tagalog.  May mga pinagbago na din kasi ang wikang Filipino mula nang pagpasyahan ng bansa na Tagalog ang magiging batayan ng pambansang wika (sa laking pag-tutol ng mga Cebuano).   Nuong umuwi kami sa Pilipinas kamakailan, napansin ko na nadagdagan na ang mga titik ng alpabetong Filipino para na din siguro bagayan ang mga dayuhang salita at pangalan na wala naman katumbas sa katutubong wika.

Basahin ang kabuuan »

Kalendaryo
March 2010
S M T W T F S
« Mar    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Archives
Categories